Zack Tabudlo

Pulso

Zack Tabudlo
icon
icon
icon
Album:
Pulso

Pulso

Ilang beses ko bang sasabihin?
Mukha kang beauty queen
Kahit ika'y magsalamin
Tanggalin mo man ang makapal na lipstick
Labi'y pulang-pula pa rin
Walang magpapabago sa aking isip
 
Baliktarin mo man ang mundo
Ikaw talaga ang aking gusto
Pagpasensyahan mo na kung gan'to ako
Ikaw na lang ang nakikita sa pasilyo
 
Oh, kay dami-raming tao sa paligid
Ikaw lang ang pansin
Dumadagdag pa sa isipin
Pwede ba ako'y iyong dinggin?
Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso
Kapag ika'y nakatingin na sa akin
 
Isa lang naman ang hiling sa mundo
Ika'y mapaakin
Sawang-sawa na ako
Lintik kasi na pag-ibig 'to
Lagi na lang pinapaasa
Siguro naman ikaw na 'to
 
Baliktarin mo man ang mundo
Ikaw talaga ang aking gusto
Pagpasensyahan mo na kung gan'to sa'yo
Ikaw na lang ang nakikita sa pasilyo
 
Oh, kay dami-raming tao sa paligid
Ikaw lang ang pansin
Dumadagdag pa sa isipin
Pwede ba ako'y iyong dinggin?
Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso
Kapag ika'y nakatingin na sa akin
 
Ikaw na talaga nakikita ko
Makasama habang buhay na 'to
Hanggang sa pagtanda
Ikaw ang diyosa ng buhay ko
 
Oh, kay dami-raming tao sa paligid
Ikaw lang ang pansin
Dumadagdag pa sa isipin
Pwede ba ako'y iyong dinggin?
Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso
Kapag ika'y nakatingin na sa akin
 
expand collapse Song details
SLOR SLOR
submitted on 12 Jan 2024 - 00:42
Give a shoutout to SLOR
Copyright:
Writer(s): Zack Nimrod D. Tabudlo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Translations