Rocksteddy

Superhero

Rocksteddy
Zu Favoriten hinzufügen
Arrow down
Arrow down

Superhero

Simple lang naman ang aking pangarap
Ang tayo ay lumipad at maglaro sa ulap
Nais ko lang nama'y makita kang nakangiti
Ang makapiling ka sa bawat sandali
 
Lahat ay gagawin, lahat ay susuungin
Lahat haharapin, lahat ay kakayanin
 
Lilipad ako para lang sa'yo
Lilipad ako sa dulo ng mundo
Ang lahat ng ito'y para lang sa'yo
Dahil ang totoo ikaw ang aking superhero
 
Lahat magagawa hindi ako matatakot
Hindi mangangamba basta't ikaw
ang nasa puso ko
Kahit na mahirap, kahit na ako ay maliit
Ikaw ay tutulungan kahit buhay ko ang kapalit
 
Lahat ay gagawin, lahat ay susuungin
Lahat haharapin, lahat ay kakayanin
 
Lilipad ako para lang sa'yo
Lilipad ako sa dulo ng mundo
Ang lahat ng ito'y para lang sa'yo
Dahil ang totoo ikaw ang aking superhero
 
Lilipad ako para lang sa'yo
Lilipad ako sa dulo ng mundo
Ang lahat ng ito'y para lang sa'yo
Dahil ang totoo ikaw ang aking superhero
 
expand collapse Song details
hariboneagle927 hariboneagle927
submitted on 13 Dez 2012 - 11:51
Give a shoutout to hariboneagle927
Urheberrecht:
Writer(s): Teddy Corpuz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Übersetzungen