Gloc-9

Bituin

Gloc-9
Zu Favoriten hinzufügen
Arrow down
Arrow down
Album:
Matrikula

Bituin

Tulog na anak at bukas ay may umagang darating
minamasdan kita habang tulog na parang isang bituin
Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina
dahil ako'y mahirap kaya't sumama sa iba
 
Ngayon ika'y musmos pa lamang
tatlong taong gulang
Lahat ay gagawin, haharapin mapag-aral ka lang
Upang maabot mo buhay na pinapangarap ko
at iyong malisan hirap na kinamulatan ko
 
Lumipas ang ilang taon
ako ay umalis
at sa malayong pook ako ay nag-tiis
Larawan mo ang laging hawak hawak ko
Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko
 
Ako ay nagbalik sa araw ng 'yong kaarawan
Malayo pa lamang nakita ko na
ako'y kinabahan
Bakit maraming ilaw sa loob ng aming tahanan?
Ako'y lumuluha
mukha mo ay pinagmamasdan
 
Paalam na aking anak
at sa gabing darating
ako ay titingala
at hahanapin ka sa mga bituin
 
expand collapse Song details
krystalla.view krystalla.view
submitted on 20 Mai 2017 - 19:56
Give a shoutout to krystalla.view

Übersetzungen